Pahiram muna ng konting oras.
Monday, March 17, 2008

Pasado alas-tres na ng umaga. Katatapos ko lang gawin 'yung completion namin para sa AVEM! Parang ayoko nanaman matulog. Ewan ko kung bakit. Ayun. Kaya lang naman ako nag-post dahil may gusto akong sabihin at gustong ibahagi.

Ayos lang naman siguro sa'yo kung hihiramin ko ang konting oras mo para mabasa ito 'di ba? Sa tingin mo? Ayos lang kung ayaw mo :) Hindi naman ako namimilit.

Una, sa tingin ko kasi mukhang may malaking problemang mangyayari ngayon. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Naiiyak ako 'pag naaalala ko nanaman 'yun. Hindi naman ito buhay pag-ibig (sorry ka! :D) sana maayos ito at sana nagkakamali lang sila. Kasi kapag nagkataon na tama, lagot na talaga. Ipagdasal niyo na lang na sana maging okay 'yung lahat.

Pangalawa, matatapos na ang semestre, malungkot nanaman ang buhay ko. Hindi ko nanaman makikita at makakasama ang mga taong madalas magpasaya at magpatawa sa akin kapag masungit, suplada, may topak at malungkot ako. Mamimiss ko sila panigurado. Bakasyon na, walang pera, walang tawanan, walang kwentuhan, walang sigawan ng paglalambing, walang kulitan. Hayyy! Ano ba silbi ng cellphone? Telephone? Ano nga ba kung walang load dahil walang pera at dahil bakasyon? XD

Pangatlo, sabi ko kumikirot pa 'di ba? Oo, kumikirot pa nga. May konting sugat pa at sana sa darating na panahon maghilom na siya. Sabi nga ni Yen (nakuha niya lang din sa'kin) Huwag ng ipilit ang hindi na talaga pwede. Ang kulit kasi! Tama nga naman! Panahon na lang makapag-sasabi ng lahat. Hintay-hintay lang. Mahaba pa ang panahon, marami pang dapat asikasuhin, pagtuunan ng pansin, at marami pang bagay na pwde makapag-pasaya ng sobra sa isang tao. Bakit kaya ganoon noh? Wala lang. Ang wirdo lang kasi.

Pang-apat, ano kaya mangyayari sa'min next sem noh? Masaya kaya? O baka nakamamatay na ang mga gawain? Malamang, oo! Take it from the higher levels :) Kaya 'yan. Naka-abot ng next level, bakit hindi next level ulit 'di ba?

Pang-lima, kaya ko ba? Kakayanin ko ba? Basta! Sa tingin niyo kakayanin ko? Sa tingin ko naman oo, kaso medyo nanghihina lang ang loob ko. Nauunahan ng katangahan :) Hindi pa talaga ito ang tamang oras. Buhay nga naman, mapag-biro masyado. Tsk! Ayos lang, sanay naman ako sa joke kaso hindi ganitong joke.

Pang-anim, trip ko 'yung isang kanta ng Daphne Loves Derby na "A Year On An Airplane". Love it. Oh, masaya na ako niyan :)

Pang-pito, tapos na.. Tapos na 'yung post na ito. Salamat sa pagbabasa :) Medyo naging ok na din kahit paano. Ganoon lang talaga siguro. Kung may maitutulong ka, malugod kong tinatanggap 'yun at maraming salamat na din. ^___^

@ 4:00 AM



Hey there :) I'm Sci. 17 years of age. AB Communication Arts student. Loves photography, music, blogging, nature, candy mags, corny jokes and having fun with friends ;) GOD LOVES ME SO MUCH ^_^.



Apologize









April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008



Ben
Hawhaw
Jecca Yap
Jeph
Jervin
Jordan
KianStar
Km
Miss Raya
Pula
Razelle
Red
Timothy
Vincent
Wanda
Word4theday





my friendster
other account
my g-blogs
my myspace

Abbie
Ala
Aldrin
Bianca
Cj
Coreen
Franc
Ginny
Jho *heartprincess*
Jared Uy
Mich Dulce
Paeng
Pauleen
Saab
Shari
Utakgago



bloghosting: Blogger
htmls: Blogskins

Raya
image: Adobe Photoshop CS2

Me
chatbox: Cbox
music: Iwebmusic