There's gotta be more...
Sunday, November 04, 2007

Masyado ng maraming nangyayaring kung ano sa buhay ko ngayon. May masaya pero mas marami ang kalungkutan. Ayun. Ganoon lang talaga ang buhay. Alam ko, marami pang darating at sa takdang panahon na iyon, alam kong mas masakit, mabigat at mas challenging yun. Kailangan ko lang ng motivation para maging positive ulit sa mga bagay-bagay at lakas ng loob na rin para harapin ang mga dapat harapin. Sa edad kong ito, madali akong sumuko pero ano? Ayun buhay pa ako! Hahaha. Mahal lang talaga ako ni God at hindi pa ako ganoon kabait (para kay God) para sumuko na lang ng ganoon. Wala eh, weather-weather lang talaga ang buhay. "There's gotta be more to life" ika nga ni Stacie Orrico.


Oo, alam ko masakit. Makasakit ng tao lalo na yung mahalaga sa'yo, sa buhay mo. Pero hindi ko naman sinasadya yun. It's meant to happen nga kumbaga. Minsan akala ko, ok na ako. Wala na, hindi na masakit. Pero mali pala ako, andiyan pa rin pala yung sakit. Pero duda ako, it's all in the mind talaga. Kung iisipin kong masakit, masakit talaga. Kung iisipin kong malalampasan ko lahat ng ito, malalampasan ko talaga. Kailangan ko lang talaga manalig at magpakatatag. Sarili ko na lang ang makakatulong sa akin ngayon. Ayoko na magpatalo sa sakit na binibigay ng buhay. Yun nga lang, sana maging motivated ako. Wish ko lang di ba? Kaya yan. Sabi nga ni Miss Raya, "Fighting".. Ayun.


Ano bang point ko dito? Wala naman kung tutuusin. Gusto ko lang sabihin na hindi talaga ganoon kadali ang buhay. Hindi lahat may happy ending. Pero, paano magiging happy ang ending kung ending na nga yon?? Labo di ba? But there's GOOD in GOOD-byes. Kaya nga maganda ang sunset kesa sa sunrise eh. Gets? Ayos! Sabay na lang tayo sa agos ng buhay. Malay mo? Malay ko? Malay natin mas magiging maganda ang offer ng life sa mga susunod na kabanata ng buhay natin di ba? Eh di maganda. Basta, be ready, be strong, be brave, be HAPPY..


Hindi lahat ay sa atin.. Hindi naman lahat pag-aari natin. Lahat pinahiram lang ng Panginoon para bigyan tayo ng hint kung ano ba talaga ang bigay-aral ng buhay. Buhay nga naman parang buhay na buhay sa pagsubok :)


Kaya yan.. Fighting!!


P.S.
Karen, salamat nga pala sa kanta na binigay mo kahit hindi mo alam yun. Hahaha. Natutuwa talaga ako sa tugtugin na iyon. Ayun.

CONDOLENCE TO SAN MIGUEL FAMILY.

@ 12:00 AM



Hey there :) I'm Sci. 17 years of age. AB Communication Arts student. Loves photography, music, blogging, nature, candy mags, corny jokes and having fun with friends ;) GOD LOVES ME SO MUCH ^_^.



Apologize









April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008



Ben
Hawhaw
Jecca Yap
Jeph
Jervin
Jordan
KianStar
Km
Miss Raya
Pula
Razelle
Red
Timothy
Vincent
Wanda
Word4theday





my friendster
other account
my g-blogs
my myspace

Abbie
Ala
Aldrin
Bianca
Cj
Coreen
Franc
Ginny
Jho *heartprincess*
Jared Uy
Mich Dulce
Paeng
Pauleen
Saab
Shari
Utakgago



bloghosting: Blogger
htmls: Blogskins

Raya
image: Adobe Photoshop CS2

Me
chatbox: Cbox
music: Iwebmusic